Be yourself; Everyone else is already taken.
— Oscar Wilde.
This is the first post on my new blog. I’m just getting this new blog going, so stay tuned for more. Subscribe below to get notified when I post new updates.

Paulit-ulit at pabalik-balik na tinatahak ang landas na sa pakawari nati’y maghahatid ng ligalig sa ating buhay. Madalas tayong mapalingon sa iba’t ibang direksyon. Tama nga ba? Ang binabaybay ng ating mga paa?ang tinutungong direksyon ng ating mga mata?
Di mabilang sa ating mga daliri kung ilang ulit tayong nawala, kung ilang beses tayong bumalik at muling nagsimula. Isip ay ginugulo ng walang kasiguraduhang desisyon at ng walang katapusang “sana”.
Naghahanap tayo ng kapayapaan sa kaisipan at lugar na maghahatid sa atin ng kakaibang realisasyon.
Ooops di ka nag-iisa! Kaya naman halika na at bisitahin ang Shane Beach Resort kung saan, “ Kapayapaan at Kasiyahan sagot ko! Let it Shine, let it shine, let it be Shane Beach Resort”.

Muling tuklasin ang bagong usbong sa Brgy. Tiblong San Fabian, Pangasinan – Shane Beach Resort. Kung saan sasalubungin ka ng yakap mula sa preskong hangin na nagmumula sa dagat kasabay ng pagaspas ng mga puno at huni ng mga ibon. Nariyan din ang nakabibinging katahimikan na nararapat lamang sa magulong isipan at tanawin na nagpapakalma ng emosyong nag-aalab sa kalungkutan.

Upang makarating ay kinakailangang sumakay ng bus sa halagang P20 lamang na magmumula sa siyudad ng Dagupan patungo sa bayan ng San Fabian. Madali itong makita sapagkat ilang metro lamang ang agwat nito sa kalsada.
Bago pa lamang ang beach resort kung kaya’t hindi pa ito kilala ng mga karatig lugar. Umaabot sa P150 ang bayad ng isang tao at may bawas na P30 para sa mga bata.
Tinataglay nito ang dalawang swimming pool, mga cottages, banyo, lugar na maaaring pagdausan ng kaarawan, kasal, binyag at iba pa.

Maaari ring magsalo-salo ang pamilya rito kasabay ng pag-iihaw ng barbeque o pagluluto ng mga ulam. Sabayan na rin ng kantahan sapagkat sa halagang P100 ay isang oras niyo na kayong magja-jamming. Kung mayroong dalang sasakyan ay maaari mo rin itong linisan sa halagang P50 at P150 naman kung papalinisan sa iba.
Isa pang magandang katangian nito ay hitik sa mga puno at halaman ang paligid. Magandang kumuha ng mga larawan at hindi mo na kakailanganin ang load para iupload ito dahil may free wifi rin sila. Bongga diba!

Kung nanaisin ang mas malawak na espasyo o languyan ay maaaring magtungo sa tabing-dagat. Kung nabitin at nais magpagabi, may mga marerentahang kwarto na swak lamang sa bulsa.
Hindi man ito kasing gara o kasing lawak ng iba pang resort ay napag-pagaanan na namin ang lugar sapagkat maayos ang pamamalakad at pakikitao ng may-ari nito. Tunay mo ring mahahanap ang katahimikan at mananamnam ang ganda ng kapaligiran na tila yumayakap at umaawit sayo. Hanggang sa muling paglalakbay mga ka-voyage!

Ang hakbang ng iyong mga paa ang magtatatag sa iyong kaalaman.
Sabado ng umaga, huling araw ng Nobyembre ay dinala kami ng aming desisyon sa bayan ng San Fabian. Bus ang naging transportasyon upang makarating sa aming pupuntahan. Habang binabaybay ang daan ay pawang mga kasiyahan lamang ang aming pinag-uusapan patungkol sa aming lugar na dadayuhan. Dahil na rin sa magagandang komento na aming nakita sa social media ay na-engganyo kami na silipin ito. Mula sa siyudad ng Dagupan ay bente pesos ang singil papuntang Brgy.Mabilao San Fabian. Mahaba-haba ang aming nilakbay. Ibinaba kami sa kanto ng Brgy. Mabilao kung saan masisilayan na agad ang karatula ng lugar na aming sadya. Motorsiklo naman ang kailangan sakyan papasok sa halagang 60 pesos na paghahatian ng apat na tao. Liblib at pawang mga puno ng kawayan ang makikita sa daan ng aming paroroonan.

Malawak na bukirin na may imprastraktura ang sumalubong sa aming mga mata, sa lugar na tinatawag na Farmville.
Bago mapasok ang balwarte ng lugar ay madadaanan ang isang maliit at sementadong tulay na sinundan ng pababang lupa patungo sa entrada ng Farmville. Sa kanang bahagi ay mayroong malaking tablang kahoy na nakasulat ang pagkakakilanlan ng lugar, at sa bandang kaliwa ay maliit na kamalig kung saan isinasagawa ang pagbabayad ng 100 pesos para sa entrance fee. Sa pagitan ng dalawa ay pilapil patungo sa luntiang bukirin na nilakapan ng sining. Kapansin-pansin sa lugar ang bagong tanim na mga palay. Sa pagpapatuloy sa pagtahak sa mga pilapil ay makikita ang isang nakaupong alay-ay, mga poste ng ilaw, mga bata, pamilya, magkasintahan at magkakaibigan na dumayo sa lugar. Makikita rin ang wishing well na gawa sa mababaw na balon.

Ang pinaka-patok sa lugar ay tinawag na The Hobbit House, ito ay mistulang bahay sa ilalim ng burol, ang pinto ay hugis bilog at ang paligid ay hitik sa mga halaman at bulaklak. Sa unang bahay ay maaaring ipahinga at bumili ng milktea o nachos, at kung gugustuhing umakyat sa tuktok ng bahay ay may daan na inilaan, sasalubungin ka ng mga ligaw na damo at talahib. Sa harap ng unang bahay ay mga pugad ng kalapati na inihawig sa The Hobbit House. At sa dulo ng mga pugad ay isang dilaw na pinto ang nakatayo at paboritong kunan ng larawan ng mga dumadayo. Ang dalawang bahay na may magkaibang direksyon ay inuupahan ng kung sino mang gugustuhing manatili sa lugar. Maayos at moderno ang disenyo ang loob ng bahay samantalang makulay at kaakit-akit naman ito sa labas. Hindi rin kumawala sa aming mga mata ang malaking Kawa Bath, may laman itong tubig at mga bulaklak at sa ilalim ng kawa ay mga troso. Magmimistula kang niluluto kung ikaw ay umupo sa kawa.

Talaga nga namang sinusulit ng mga dumadayo roon ang pagkuha ng mga larawan. Maaliwalas at tahimik na may kasamang mga halinghing at tawanan ang maririnig sa paligid. Sino nga bang mag-aakala na sa gitna ng kawalan ay isang sining ang nabubuo, sa gitna ng luntian ay may mga kulay na inihahalo.
Gayunpaman, sa ganda nito ay masasabing hindi pa buo ang lugar. Ngunit tiwala na mas uusbong pa ang nabuhay na sining sa luntiang bukirin.

This is an example post, originally published as part of Blogging University. Enroll in one of our ten programs, and start your blog right.
You’re going to publish a post today. Don’t worry about how your blog looks. Don’t worry if you haven’t given it a name yet, or you’re feeling overwhelmed. Just click the “New Post” button, and tell us why you’re here.
Why do this?
The post can be short or long, a personal intro to your life or a bloggy mission statement, a manifesto for the future or a simple outline of your the types of things you hope to publish.
To help you get started, here are a few questions:
You’re not locked into any of this; one of the wonderful things about blogs is how they constantly evolve as we learn, grow, and interact with one another — but it’s good to know where and why you started, and articulating your goals may just give you a few other post ideas.
Can’t think how to get started? Just write the first thing that pops into your head. Anne Lamott, author of a book on writing we love, says that you need to give yourself permission to write a “crappy first draft”. Anne makes a great point — just start writing, and worry about editing it later.
When you’re ready to publish, give your post three to five tags that describe your blog’s focus — writing, photography, fiction, parenting, food, cars, movies, sports, whatever. These tags will help others who care about your topics find you in the Reader. Make sure one of the tags is “zerotohero,” so other new bloggers can find you, too.